-- Advertisements --
BANAC
PBGen. Bernard Banac

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na walang dapat ipangamba ang mga residente ng Bacolod City kasunod ng assignment ni PLt. Col. Jovie Espinido duon.


Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, kumpiyansa sila na hindi gagawa ng anumang hakbang si Espinido na labag sa rule of law.

Sinabi ni Banac, kanilang iginagalang ang karapatang pantao at lahat ng operasyon ng PNP lalo na sa iligal na droga ay naaayon sa kanilang standard operating procedure o (SOP).

Ang assignment ni Espinido sa nasabing siyudad ay para palakasin ang operasyon laban sa kriminalidad, iligal na droga at mga police scalawags.

Paliwanag ni Banac na ang pahayag ng Pang. Rodrigo Duterte para kay Espinido ay para palakasin pa ang kampanya laban sa iligal na droga at hindi literal na pumatay ng indibidwal.