-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na mabibigyan ng assistance ang mga Ukrainian na napilitang umalis ng bansa dahil sa Russian invasion.

Una rito ang pagbibigay ng trabaho sa mga lugar kung saan sila nananatili, pagbibigay ng bahay sa mga displaced at muling pagtatayo ng mga nasirang bahay sa oras na matapos na ang giyera at suporta para sa housing ng mga pamilyang lumikas mula sa mga lugar kung saan nagpapatuloy ang labanan ay makakatanggap sila ng reimbursement ng kanilang utility expenses.

Ayon pa kay Zelensky may naitatag din aniyang coordination center para mapangasiwaan ang deliveries ng humanitarian aid sa Ukraine.

Samantala, muling iginiit ni Zelensky ang kaniyang panawagan sa pagkakaroon ng komprehensibong peace talks sa Russia.

Sa kaniyang inilabas na video address ngyong araw, inihayag ni Zelensky na laging bukas ang alok na mga solusyon ng Ukraine para sa kapayapaan at ninanais nitong makabuluhan at totoong negosasyon para sa peace at security.

Dumating na aniya ang oras para mapanumablik ang territorial integrity at hustisya para sa Ukraine o kung hindi man ay maaaring aabutin pa ng ilang henerasyon bago makabangon ang Russia mula sa mga nawala nito sa kasagsagan ng giyera.