-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang opisyal ng National Irrigation Administration (NIA-Maguindanao) sa pamamaril sa syudad ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Nestor Espinela, 62, may asawa at residente ng Purok Maunawain, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City.

Ayon sa ulat ng pulisya kakababa lamang ng biktima sa kanyang sasakyan sa harap ng kanyang tahanan ng ito ay pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek gamit ang kalibre .45 na pistola.

Naisugod pa si Espinela sa pagamutan ngunit dineklara ito ng mga doktor na dead on arrival nang magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa naturang kaso at patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon.