KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon nga mga kapulisan sa nangyaring pamamaril sa isang Assistant Regional Director ng Department of Science and Technology (DOST) region 12 sa lungsod ng Korondal kaninang umaga.
Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Normina Pahm, 55-anyos, at isang Assistant Regional Director ng Department of Science and Technology (DOST) Region 12.
Ayon kay Police Lt. Joedy Lito Guisinga, hepe ng Koronadal City PNP, lumabas sa kanilang imbestigasyon na naghihintay sa kanilang sundo at nakaupo lamang umano ang biktima at 2 pang mga kasama nito sa trabaho sa labas ng inuupahang apartment sa bahagi ng 1st Block, Mabini Street, Barangay Zone 4 nitong lungsod ng Koronadal.
Ngunit, bigla umanong nilapitan ang mga ito ng di pa nakikilang suspek at binaril ang biktima ng dalawang beses kung saan naglakad lamang palayo ang suspek sa pinangyarihan ng krimen na parang wala umanong nangyari.
Sa ngayon ay nagpapaaling na sa ospital ang biktima matapos na isinailalim sa operasyon habang inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng krimen.