Tuluyan ng nag-retiro si Associate Justice Rosmari D. Carandang matapos ang maabot nito ang mandatory retirement age na 70.
Sa darating pa sana na Enero 9 ang kaarawan ni Carandang subalit nitong Biyernes ay isinagawa na ang pagbibigay pugay sa kaniyang nagawa sa Korte Suprema.
Pinangunahan ni Chief Justice Alexander Gesmundo at mga kasamahan nito sa SC ang pagbibigay ng tribute kay Carandang.
Pinasalamatan ni Carandang ang mga dumalo at bumati sa kaniyang pagreretiro lalo na ang mga nakasama niya sa trabaho sa loob ng 27 taon.
Bago siya pumasok sa Judiciary ay nagtrabaho ito sa private financial and government institution at noong Disyembre 1993 ay itinalaga ito bilang Presiding Judge ng Regional Trial Court sa Branch 12 ng Maynila.
Nanilbihan ito bilang Vice-Executive Judge doon at noong March 2003 ay itinalaga siya bilang Associate Justice ng Court of Appeals sa loob ng 15 taon bago maging ika-181st Associate Justice ng SC noong Nobyembre 2018.