-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Sandiganbayan Associate Justice Geraldine Faith Abracia Econg bilang pinuno ng nasabing anti-graft court.

Nakasaad sa appointment letter na pirmado ng Pangulo , na papalitan ni Econg si Amparo Cabotaje-Tang na nagretiro noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Si Econg ay naging presiding justice ng Sandigabayan mula pa noong Oktubre 7, 2013.

Bago ang kaniyang pagtatalaga ay nagsilbi si Econg bilang chairperson ng Sandiganbayan second division mula noong Enero 20, 2016.