-- Advertisements --

Nagbitiw na sa kaniyang puwesto si Associatie Justice Edgardo Delos Santos isang taon bago ang kaniyang mandatory retirement.

Nitong Martes nang isagawa ng Supreme Court en banc ang retirement ceremony para kay Delos Santos.

Pinasalamatan nito ang kaniyang mga nakasama sa loob ng 43 taon.

Isang hindi niya malilimutan lagi ay ang pakiramdam pagkatapos ang mainitang pakikipagtalastasan sa kapwa nito huwis.

Ang Cebu-based na si Delos Santos ay nakilala din bilang habal-habal driver judge ng Dumaguete City na pumalit kay Associate Justice Gabriel Inglis bilang executive judge ng Visayas.

Na-promote ito sa Court of Appeals noong 2008.