Hinihimok ng mga ministro ng Association of Southeast Asian Nation ng Myanmar na ipatupad ang napagkasunduang planong pangkapayapaan.
Pagtatapos ng dalawang araw na pag-uusap sa Indonesia noong Sabado ang junta ng Myanmar ay nais na ipatupad ang limang puntong planong pangkapayapaan na napagkasunduan dalawang taon na ang nakararaan upang lumikha ng landas patungo sa pagwawakas sa krisis pampulitika ng bansa.
Matatandaan na ang Indonesia ang pinakamalaking ekonomiya ng Southeast Asia ang tagapangulo ng 10-member Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa 2023 at magho-host ng taunang pagpupulong ng mga pinuno ng bloc sa huling bahagi ng taong ito.
Ayon kay Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi, iminungkahi umano ng Jakarta ang isang plano sa pagpapatupad sa mga miyembro ng ASEAN para sa “five-point consensus” na napagkasunduan noong Abril 2021 para sa pagwawakas sa karahasan sa pagitan ng militar at mga rebelde.
Samantala, nananatiling miyembro ng ASEAN ang junta ngunit pinagbawalan ito ng bloke sa mga top-level summit dahil sa kabiguan nitong ipatupad ang plano na naglalayong makamit ang kapayapaan sa pagitan ng militar at ng anti-coup movement ng Myanmar.