-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Itinalaga bilang vaccine Czar si Dr. Arlyn Miranda Lazaro, Asst. Isabela Provincial Health Officer na mangangasiwa para sa COVID-19 Vaccination plan ng lsabela.

Si Dr. Lazaro ay nasa supervision pa rin ni Dr. Nelson Paguirigan, ang Isabela Provincial Health Officer

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Elizabeth Binag, Provincial Information Officer ng Isabela na sa ginanap na pagpupulong ng pamahalaang panlalawigan ay tinalakay ang COVID-19 Vaccination plan ng Isabela at nagtalaga sila ng vaccine czar.

Sa ngayon anya ay nasa pre-implementation activities pa lang ang lalawigan para sa vaccination plan.

Pangunahing sa pre-implementation activities ay ang pagbuo ng Provincial Task Force For COVID-19 vaccine deployment na kinabibilangan ng vaccination team at vaccination sites.

Sinabi pa ni Atty. Binag na ang tutukoy sa vaccination sites ay ang mga Local Government Units na ipapasa sa provincial vaccination task force.

Ang pinagkakaabalahan nila ngayon ay ang master listing ng eligible population at vaccination work force implementing units at vaccination post and sites.

Sinabi pa ni Provincial Information Officer Binag na ang master listing ng eligible population ay mayroon na silang 6,891 frontline health care workers na nasa priority list na mababakunahan ngunit kinakailangan pa nila itong rebisahin bago ipasa ang nasabing bilang sa DOH

Ang deadline ng paghahain ng listahan ay sa February 15, 2021.