-- Advertisements --
Rep Jam Jam Baronda
Rep Jam Jam Baronda/ FB post

ILOILO CITY – Mariing itinanggi ni Iloilo City Lone District Rep. Jam-Jam Baronda ang akusasyon na mayroon itong goons.

Ito ang kasunod ng pag-viral ng larawan ni Baronda kasama umano ang kanyang bodyguard habang nasa marathon event sa lungsod ng Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Baronda, sinabi nito na hindi totoo na mayroon siyang goons o bodyguards.

Ayon kay Baronda, binigyan lang ng malisya ang nasabing larawan kung saan makikita ang isang lalaki na nakasakay sa motorsiklo habang siya naman ay tumtakbo sa sporting event.

Sa katunayan ayon kay Baronda, hindi niya kilala ang nasabing lalaki at maaaring natiyempuhan lamang na nahagip sa larawan.