ILOILO CITY – Sinibak sa puwesto si Land Transportation Office Region 6 (LTO-6) Assistant Regional Director Arturo Apolinar matapos ireklamo ng mga traffic personnel dahil nagmatigas na sumunod sa traffic rules sa Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nitong hindi niya kukunsintihin ang ginawa ni Apolinar na nakigpaghabulan pa sa traffic enforcers hanggang sa tanggapan ng LTO at saka dito hinarap ang mga otoridad.
Ayon kay Treñas, ipinaabot sa kanya ni Transportation Secretary Arthur Tugade na inutusan na ni LTO Chief Edgar Galvante si LTO-6 Director Eric Lenard Tabaldo na sibakin sa puwesto si Apolinar.
Sa kabilo nito, tiniyak ng alkalde na itutuloy pa rin ng Iloiloi City Government ang pagsampa ng kaso sa tinawag nitong abusadong opisyal.