Tila may panghihinayang si Assunta de Rossi bagama’t masaya bilang certified first-time mom matapos ang mahabang panahong paghihintay.
Ito’y kasabay ng 18th wedding anniversary nila ni dating Negros Occidental Representative Jules Ledesma ngunit nitong Oktubre lang siya nagsilang sa kanilang first baby.
Ayon sa 37-year-old actress, kung nabuntis siya agad noong 2002 kasunod ng civil wedding ay mayroon na sana silang debutant ngayong taon.
“Today is our 18th anniversary. Had I given birth in 2002, we would have had a debutante by now,” saad ng kapatid ng aktres ding si Alessandra de Rossi. “Well, here she is. She arrived late, our little chick.”
Nabatid na babae ang panganay nina Assunta at Jules na “20 years in the making” kaya tinawag na “miracle baby.”
Bukod pa ito sa pagkakaroon niya ng myoma at endometriosis.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na may dalawa ng anak ang dating mambabatas mula sa yumaong asawa noong 2000 na sina Cristina, 29, at Carlos na 24-anyos na.