-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ng actress na si Assunta de Rossi ang update sa kaniyang ipinagbubuntis.
Sa kaniyang social media, ibinunyag nitong isang babae ang kasarian ng anak nila ng asawang si Jules Ledesma.
Tinawag ng 37-anyos na actress ang miracle baby na “cocclina” o sa wikang Italian na ibig sabihin ay “the cuddly one”.
Tatawagin niya umano ang anak na si Fiore o sa salitang Italian ay flower.
Magugunitang noong Mayo ng ianunsiyo ng actress ang kaniyang pagbubuntis matapos ang 16-na taon na kasal.