-- Advertisements --
Isinama na ng World Health Organization (WHO) ang AstraZeneca at COVID-19 vaccine na gawa ng Oxford University sa listahan para sa emergency use.
Ayon sa WHO na sa pag-apruba nila ng bakuna na gawa ng South Korea at Serum Institute ng India ay lalong mapapadali ang pagbili ng bakuna ng mga mahihirap na bansa.
Dagdag pa ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na kailangan ngayon ay ang pagpapabilis ng paggawa ng mga bakuna.
Itinuturing kasi na mas mura ang AstraZeneca at ang Oxford na bakuna kumpara sa ilang mga COVID-19 vaccine na gawa ng ibang kumpanya.