-- Advertisements --
Vaccine Astrazeneca COVID
Lab testing by drugmaker AstraZeneca

Nagpaliwanag ang Oxford University at British-Swedish drugmaker AstraZeneca sa pag-question sa overall efficacy level nito na 70% at hindi mahigit 90%.

Ayon sa kumpanya na mayroong magkakaibang doses ng bakuna ang maling nagamit sa trial.

Ilang mga volunteers ang nabigyan ng mas mahinang uri ng bakuna o naglalaman ng kaunting sangkap habang ang iba naman ay nabigyan ng bakuna na may saktong sangkap.

Sa halos 3,000 na participants na nabigyan ng half doses at full dose matapos ang apat na linggo ay lumabas na mayroong 90% effectivity rate.