-- Advertisements --

Tiniyak ng drug company na AstraZeneca na kaya nilang tugunan ang suplay ng COVID-19 vaccine sa Southeast Asia.

Ito ay kahit na may mga pangyayari noong nakaraang mga linggo ng pagkaantala sa regional productions at delivery.

Sinabi ng kompaniya na ang kanilang local manufacturer sa Thailand ay pumayag na makagawa ng 6 milyon doses sa loob ng isang buwan.

Magsisimula sa Hulyo ang pag-export nila ng bakuna sa Southeast Asian countries.

Gagawa kasi ang partner nila na Siam Bioscience na pag-aari ni King Maha Vajiralongkorn ng nasa 180 milyon doses ngayong taon.

Umaasa kasi ang Thailand sa AstraZeneca vaccine na kanilang ginamit sa vaccination drive ng bansa kaya naapektuhan ang production delays sa Malaysia, Taiwan at Pilipinas.