Lusot na sa drugs regulator ng European Union (EU) ang COVID-19 vaccine na gawa ng Oxford-AstraZeneca upang ipagamit sa mga taong edad 18 pataas.
Ito ay sa kabila ng kakulangan ng datos kaugnay sa pagiging mabisa nito sa mga matatanda.
Ayon sa European Medicines Agency (EMA), nagpakita ng 60% efficacy rate ang AstraZeneca vaccine sa isinagawa nilang mga clinical trials kung saan nila ibinatay ang kanilang desisyon.
Ngayong linggo nang sabihin ng vaccine commission ng Germanu na hindi nila irerekomenda ang paggamit ng AstraZeneca vaccine sa mga edad 65 pataas, dahil sa kakarampot na datos kung papaano ito makakaapekto sa naturang age group.
Bagama’t hindi pa rin daw alam sa ngayon kung gaano kabisa ang nabanggit bakuna sa mga matatanda, “protection is expected, given that an immune response is seen in this age group and based on experience with other vaccines.”
Maaari pa rin naman daw magpasya ang mga bansa sa EU kung kanino nila ibibigay ang mga bakuna sa oras na kanila na itong aprubahan. (BBC/ Washington Post)