-- Advertisements --

Nanawagan ang World Health Organization (WHO) sa mga bansa na huwag itigil ang paggamit ng COVID-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca.

Sinabi ni WHO spokeswoman Margaret Harris na isang magandng uri ng bakuna ang AstraZeneca at wala silang nakikitang anumang mag-uugnay na nagdudulot ito ng blood clotting.

Tiniyak nito na kanilang iniimbestigahan ang nasabing usapin at ang pagkuwestiyon sa pagiging ligtas nito.

Magugunitang maraming mga bansa ang tumigil sa paggamit ng AstraZeneca vaccine matapos na dumanas ng blood clot ang mga pasyenteng nabakunahan na.