Pinawi ni COVID-19 vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. ang pangamba ng publiko sa bakuna ng AstraZeneca sa gitna ng mga pagkwestiyon sa efficacy ng nasabing coronavirus vaccine.
Sinabi ni Sec. Galez, bago ipagamit sa mga Pilipino, dadaan muna sa mahigpit na clinical trial ang nasabing COVID-19 vaccine.
Ayon kay Sec. Galvez, ang science naman ay isang revolving process at ang mga isyu kaugnay sa bakuna ay maaari pang maitama.
Tiniyak ni Sec. Galvez na hindi gagamitin ang bakuna ng AstraZeneca kung hindi pa naka-rollout sa pinanggalingang bansa.
Wala din umanong dapat ikabahal dahil mataas ang regulatory sa bansa partiular ng Food and Drugs Administration (FDA).
“Ang gagawin po natin, hindi natin gagamitin ang isang vaccine kapag hindi nag rollout sa kaniyang pinanggalingan. ‘Wag po silang mabahala, kasi may proseso po tayo. Mataas po ang ating regulatory process,” ani Sec. Galvez.