-- Advertisements --
Posible umanong dumating sa lungsod ng Parañaque ang nasa 200,000 doses ng COVID-19 vaccine mula AstraZeneca sa huling bahagi ng second quarter ng taon.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang nasabing bilang ng doses ay ang kanilang na-secure mula sa nasabing British pharmaceutical firm.
Una nang isiniwalat ni Olivarez na nagbigay na ang city government ng 20 percent advance payment o P9.6 million para sa AstraZeneca vaccines.
Ang iba ring mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nagbigay na rin ng paunang bayad para sa AstraZeneca vaccines na kanilang na-secure.
Bago ito, lumagda sa isang tripartite agreement ang national at local government kasama ang private sector para makakuha ng 17-milyong doses ng bakuna mula AstraZeneca.