Plano ng tatlong astronauts mula National Aeronautics and Space Administration (NASA) na ituloy ang kanilang pagboto para sa nalalapit na 2020 US presidential elections sa Nobyembre kahit nasa International Space Station (ISS) ang mga ito.
Nakatakdang ipadala sa kalawakan sa susunod na buwan ang naturang mga astronauts sakay ng “Resilience” spacecraft, ang kauna-unahang operational crew dragon mission ng SpaceX.
Ang mga astronauts na ito ay sina Michael Hopkins, Victor Glover, Shannon Walker at Japanese astronaut na si Soichi Noguchi.
Ayon kay Walker, pinag-iisipan na nilang bumoto mula sa kalawakan. Kakailanganin lamang aniya nila na mag fill-out ng electronic PDF file mula sa ISS at i-email ito sa elections officials.
Hindi naman maikakaila ni Hopkins na naging malaking pagsubok para sa lahat ang taong 2020 dahil naapektuhan din ang iba pang nakalatag na plano ng SapceX at NASA dahil na rin sa global pandemic.