Magpapatupad ng Asynchronous classes o distance learning ang DepEd sa darating na April 15-16 ng kasalukuyang taon.
Batay sa abiso na inilabas ng ahensya, wala munang gaganaping face-to-face classes sa mga nabanggit na petsa.
Ayon sa DepEd layon nito na matapos ng mga mag-aaral ang kanilang mga pending na assignment, project maging ang iba pang requirement ng mga mag-aaral ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng kasalukuyang school year.
Sinabi pa ng ahensya sa kanilang abiso na hindi required na pumasok ang mga teaching at non-teaching personnel sa lahat ng pampublikong paaralan.
Kaugnay nito, ang mga inorganisa ng mga regional at schools division offices na mga event ay pinapayagang wag ituloy ng ahensya.
Nakadepende naman sa mga private schools kung magpapatupad sila ng kaparehong hakbang subalit hinihimok din ito ng DepEd.