-- Advertisements --

CEBU CITY – Ikinababahala ngayon ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang posibleng pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa mga baboy sa lalawigan sa kabila ng naranasang krisis na dala ng COVID-19.

Una rito, inaprubahan ni Cebu City Mayor Edgardo Labella noong nakaraang linggo ang Executive Order 72 kung saan pinayagan nito ang pagpasok ng mga baboy at pork products mula sa Mindanao.

Sinabi ni Garcia na kailangang i-reconsider ng alkalde ang naturang kautusan dahil ibang problema naman ang kakaharapin ng lalawigan kung mahawaan ang mga baboy ng ASF.

Pinanindigan naman ng gobernadora na hindi maaaring magpasok ng mga baboy at mga produkto nito upang maprotektahan ang P11-billion hog industry ng probinsya.

Pinaiiral ngayon sa buong lalawigan ng ang entry ban ng mga pork at pork products mula sa mga ASF-affected areas gaya ng Luzon, Eastern Visayas, at Mindanao.