-- Advertisements --
Nais ni Deputy Speaker Vilma Santos-Recto na agad na ipasa ang panukalang Eddie Garcia Law na nagsusulong ng kaligtasan ng mga manggagawa sa entertainment industry.
Sinabi nito na matapos ang ginawang pagdinig ay napapanahon na dapat ito ay ipasa agad.
Kabilang sa mga naimbitahan sa pagdinig ng panukalang batas ay ilang mga beteranong artista at mga manggagawa sa showbiz.
Nararapat aniya na mabigyan ng proteksyon ang bawat isa sa industriya.
Suportado rin ni Director’s Guild of the Philippines (DGPI) board member Carlitos Siguion-Reyna ang nasabing panukalang batas.