-- Advertisements --

Nakapagtala ng panalo ang Ateneo Blue Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 87 men’s basketball tournament, nang talunin nito ang Adamson Soaring Falcons, sa iskor na 60-51, Sabado ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Matapos matalo ang kanilang unang tatlong laro. Pinangunahan ni Shawn Tuano ang Blue Eagles na may nakuhang 11 puntos at apat na rebounds. Si Tuano ang nag-iisang double-digit na scorer para sa Ateneo kung saan si Kristian Porter ay nagtala ng walong puntos na may 10 rebounds.

Sa huli ang Katipunan-based squad ay pinangunahan ng 14 puntos, 0-36 habang iniwan ang FEU bilang nag-iisang winless squad sa 0-3.

Samantala, na-absorb ng Adamson ang pangalawang talo na may dalawang panalo.

Si Cedrick Manzano naman ay nagtala ng all-around effort sa 14 puntos, pitong rebound at dalawang assist para sa Soaring Falcons habang sina Joshua Yerro at Eli Ramos ay may tig-anim.

Susubukan ng ateneo na pahusayin ang kanilang laro sa pagharap nito sa Far Eastern University sa susunod na Linggo, habang ang Adamson ay makakalaban naman ang National University sa Miyerkules. (BOMBO JOHN)