-- Advertisements --

Nagdesisyon na ang pamunuan ng Ateneo de Manila University, na i-dismiss ang estudyanteng sangkot sa pambu-bully ng kapwa junior high student na nakita sa isang video.

Sa inilabas na official statement ng nasabing unibersidad, sinabi ni Ateneo President Jose Ramon Villarin SJ na ang kanilang desisyon ay resulta ng imbestigasyon kabilang ang pagkausap sa mga magulang ng mga estudyanteng sangkot sa pambu-bully.

“This means that he is no longer allowed to come back to the Ateneo,” pahayag ni Villarin sa inilabas na statement.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Jesuit-run university na bagama’t may mga proseso sila para tugunan ang ganitong insidente, kanilang siniguro na hindi na ito mauulit pa.

Kinumpirma rin ni Villarin na kaniyang ipinag-utos ang pagbuo ng isang Task Force para magsagawa ng pag-aaral kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon.

“I have thus created a Task Force to conduct a comprehensive study of the current situation, ensure an independent audit if our present measures and systems, and promptly recommend to administration how we can create a safer and bully-free environment,” dagdag ni Villarin.