Hindi nagpadaig ang defending champion Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles kontra University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers sa Game 2 ng men’s basketball sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82.
Dinomina ng ADMU ang UST sa score na 86-79 na ginanap sa MOA Arena sa lungsod ng Pasay.
Ang Finals Most Valuable Player (MVP) na si Thirdy Ravena ay kumamada ng 17 points, pitong rebounds at limang assists.
Ang makasaysayang panalo ng Blue Eagles ay nagdala sa kanila sa three-peat sa liga na sinasabing most successful squad sa huling isang dekada.
Narito ang mga highest pointers sa laro:
Ateneo
Thirdy Ravena – 17 points, 7 rebounds at 5 assists
SJ Belangel – 15 points, limang 3-pointers
Matt Nieto, 14 points, 6 rebounds, 5 assists
Ateneo
Rhenz Abando – 16 points, tatlong 3-pointers
Mark Nonoy – 14 points, 6 rebounds, 5 assists
Soulemane Chabi Yo – 11 points, 19 rebounds