-- Advertisements --

Tinalo ng Ateneo Lady Eagles ang University of Santo Tomas sa emosyonal na Game 3 ng UAAP Season 81 women’s volleyball finals nitong Sabado ng hapon.

Sa loob ng tatlong sets ay nagreyna ang Ateneo volleybelles, 25-17, 25-22, 25-22, upang kanilang masungkit ang una nila UAAP women’s title buhat noong Season 77, o apat na taon na ang nakalilipas.

Ito rin ang unang titulo ng Ateneo mula nang makumpleto ng Lady Eagles ang malinis nilang kampanya noong Season 77, na pinamunuan pa noon ni Alyssa Valdez.

Kasabay nito, itinanghal na Finals MVP si Lady Eagles team captain Bea De Leon.

Samantala, dahil sa pagkatalong ito ng Golden Tigresses, napalawig ang kanilang championship drought sa isa na namang taon.