Binigyang diin ng Korte Suprema sa Indonesia ang mga hindi naniniwala sa Dyos bilang ‘walang lugar para bigyan ng karapatan sa bansa.
Ito’y matapos ibasura ng Indonesia Constitutional Court noong nakaraang buwan ng taong kasalukuyan ang hiling para bigyan ng karapatan ang mga hindi naniniwala at mga atheists kung saan ipinasiya ng korte na kailangang magpahayag ng relihiyon ang bawat mamamayan nito sa Indonesia, kahit isang minority na relihiyon maski sa mga opisyal na dokumento ng mga ito, at pati narin sa merriage contract ay kailangan nakasaad ang relihiyon.
Ang Indonesia kasi ay tinuturing bilang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo na opisyal na kumikilala ng anim na relihiyon sa bansa katulad ng Islam, Protestantism, Catholicism, Buddhism, Hinduism, at Confucianism.
Habang ang mga ibang naniniwala sa minority na relihiyon ay kadalasang nakakaranas ng diskriminasyon, katulad ng mga atheist at hindi-naniniwala na siya namang hindi kinikilala ng batas doon.
Ang kaso ay nagsimula noong 2012, sa ngalan ni Alexander Aan, isang civil servant, matapos ma-sentensiyahan ng 30 buwan na pagkakakulong dahil sa pagpapakalat umano ng atheist na mga aral na sa social media nito. Bagamat ang criminal code ng Indonesia ay nagpaparusa lamang sa mga blasphemy at pagpapakalat ng atheismo, hindi nito teknikal na pinaparusahan ang kawalan ng relihiyong pinaniniwalaan.
Gayunpaman, ang mga hindi-naniniwala ay nag-aakusa na ang mga umiiral na batas ay pinipili lamang na ipatupad upang hindi sila mabigyan ng pantay na proteksyon.
Noong Enero 2024, pinayagan ng Constitutional Court ang mga indibidwal mula sa mga minority na relihiyon na hindi kabilang sa anim na opisyal na kinikilalang relihiyon ng bansa na magparehistro bilang “mga naniniwala” nang hindi tinutukoy ang partikular na relihiyon sa kanilang mga identity card.
Inaasahan na ang kampanya na ito ay magbubukas ng posibilidad para sa isang option ng mga Indo na “walang relihiyon.”
Subalit, ang pag-asa para dito ay napawi nang ang dalawang agnostic activists na sina Raymond Kamil at Teguh Sugiharto, ay naghain ng petisyon sa Constitutional Court noong Oktubre upang pahintulutan ang mga hindi-naniniwala na iwanang blangko ang field ng relihiyon sa kanilang mga opisyal na dokumento.
Sa isang desisyon na inilabas noong nakaraang buwan, tinanggihan ni Constitutional Court Justice Arief Hidayat ang petisyon, na nagsasabing ang paniniwala sa relihiyon ay “isang pangangailangan” alinsunod sa Pancasila, ang pangunahing ideolohiya ng Indonesia, dahil ito ay nagtataguyod ng paniniwala sa isang nakakataas na diyos.
Ipinaglaban ni Justice Hidayat, isang dating chief justice, na ang pagsasabing kailangan ng relihiyon ay isang “proportional restriction” at hindi arbitrary.
Tinanggihan din ng Korte ang isa pang petisyon na isinampa nina Kamil at Sugiharto na humamon sa isang probisyon sa Marriage Law na nagsasaad na ang kasal ay magiging valid lamang kung isinagawa ito ayon sa mga batas ng relihiyon ng mga nag petisyon.