-- Advertisements --

Kinumpirma ng Tokyo Olympics organizers na lahat ng mga atletang tutungo ng Japan maging mga media teams ay lalagayan ng GPS o global positioning system upang ma-monitor ang lahat ng kanilang galaw.

Partikular na gagawin ito sa unang 14 na araw na quarantine sa pagdating sa Japan bago makibahagi sa Olimpiyada na magbubukas na sa July 23.

Layon umano nito na hindi lalabag sa kanilang mga aktibidad ang mga darating na atleta at journalist.

Agad namang nilinaw ng mga organizers na hindi naman real-time ang tracking ng movements ng mga athletes kundi aabisuhan din sila kung may biglang mga insidente ng COVID cases.

Sa ngayon ang siyudad ng Tokyo ay nananatili sa state of emergency dahil pa rin sa muling pagtaas ng COVID-19 infections.

Dahil dito kabilang pa sa patakaran, mahigpit na ipinagbabawal ang mga dayuhang fans na manood sa mga Olympic games.