-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sinanay ng Agricultural Training Institute XII ang mga Barangay Biosecurity Officers o BBO ng bayan ng Kabacan Cotabato kaugnay na rin sa laban sa African Swine Fever.

Mga BBO mula sa Brgy. Bangilan, Malanduague, Cuyapon, Kilagasan, Malamote, Kayaga, Pisan, Bannawag, Aringay, at Lower Paatan ang naging partisipante sa nasabing aktibidad.

Dito ay binigyan ng kaalaman ang mga BBOs sa mga paraan upang kumuha ng dugo at sa mga paraan upang makapagsagawa ng biosecurity sa mga baboyan.

Nagpasalamat naman si Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa mainit na suporta ng ahensya na malabanan ang ASF sa bayan.

Hinikayat din nito ang mga dumalo na ipamahagi ang kanilang natutunan upang mapalakas nang tuluyan ang laban sa ASF.