KALIBO, Aklan – Nakilahok ang ilang libong deboto sa Pilgrims Mass kaninang alas-7:00 ng umaga sa huling araw ng week- long celebration ng Kalibo Sr.Santo Ninio Ati-atihan Festival 2020.
Bago magsimula ang misa ay nilipat muna ang imahe ni Sto. Niño de Kalibo mula sa shrine papuntang harapan ng Cathedral.
Pagkatapos ng misa sabay-sabay na nagprosesyon ang mga deboto bitbit ang kanilang sariling imahe ni Sr. Santo Ninio de Kalibo na nakasuot din ng ati-atihan costume.
Samantala, sa ngayon ay naka shut down na ang lahat ng phone signal sa buong bayan ng Kalibo at muling maibabalik bandang alas 9 ng gabi.
Unang ng ipinahayag ng Site Task Group AtiFest2020 na ang nararanasang signal shutdown ay para sa seguridad at kaligtasan ng libu-libong festival goers at mga deboto.