-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nagpapatuloy ang shooting ng pelikulang Hibla kung saan, ang mga scenes ay kinunan sa mga tourism destinations sa lalawigan ng Aklan

Ayon kay Jay-ar Arante, head ng communication affairs ng lokal na pamahalaan ng Kalibo, ang mga artista na gaganap sa nasabing pelikula ay sina Ella Cruz, Julian Trono, Nathalie Hart at Jean Padilla kasama si Kalibo mayor Juris Sucro.

Ang natatanging layunin ng movie ay maipromote at maipakilala ang iba’t ibang tourism spot sa lalawigan maliban sa isla ng Boracay kaya’t kinunan ang kanilang mga scenes sa ilang bayan sa Aklan.

Ilan sa mga scenes ang natapos na ay ang pakikibahagi ng mga ito sa tanyag na Kalibo Ati-atihan festival, paggawa ng baro’t saya na gawa sa piña fiber at maabong iba pa.

Ang nasabing pelikula ay ipapalabas sa Netflix.