-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Ibinida ng lokal na pamahalaan ng Kalibo, Aklan ang Ati-Atihan Festival sa iba’t ibang distrito sa bansang Japan sa pangunguna ni mayor Juris Sucro bilang pakikibahagi sa ginanap na Pistang Pilipino at celebration of Filipino Migrants Day.

Ipinagmalaki ni Jay-Ar Arante, head ng communication affairs ng LGU Kalibo na nanalo ang mga ito bilang Most Spectacular Group sa Nagoya, Japan.

Malaking karangalan para sa bayan na maimbitahan ng Consolate General and One Network Japan dahil sa maliban na maipakita ang kultura ng Kalibo, nagkaroon din ng negosasyon sa mga negosyante kaugnay sa planong infrastructure project ng Japan sa lalawigan ng Aklan.

Ang pakikibahagi sa international stage ng Ati-atihan groups ay ang pinanghahawakang pangalan nito bilang Mother of All Philippine Festivals.

Inaasahan na sa pamamagitan nito ay makahikayat pa ng maraming dayuhang turista mula sa Japan na makibahagi sa nasabing selebrasyon sa mga susunod na taon.