Hinimok ni House Senior Minority Leader Lito Atienza ang pamahalaan na maging agresibo sa pagdipensa sa karapatan ng Pilipinas sa mga teritoryong pagmamay-ari sa West Philippine Sea.
Ito ay kasunod na rin aniya ng pagdami ng mga Chinese vessels malapit sa Pag-asa island sa Palawan kamakailan.
Ayon kay Atienza, hindi dapat pahintulutan kailanman ng gobyerno na mabastos at mawalan ng hanapbuhay ang mga Pilipino.
“Unless we come together as a nation, we will always be a push-over on the world stage,” saad ng kongresista.
Binigyan diin ni Atienza na ang Pag-asa Island, na kabilang sa Kalayaan Island Group, ay kabilang sa official demarcation ng teritoryo ng Pilipinas na tinukoy musmo ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
“The mere presence of Chinese vessels in the area should have required Philippine permission. But for them to shoo away Filipino fishermen in an area clearly defined as within our territory is a violation of Philippine sovereignty,†dagdag pa nito.
Umapela rin ang kongresista na marapat lang na gantihan din sana ng China ng nararapat na respeto sa Pilipinas katulad na lamang ng pagpursige ng Duterte administration sa magandang relasyon sana sa Beijing.