-- Advertisements --

Binigo ng Atlanta Hawks ang buwena manong laro nina Dwyane Wade at Derrick Rose sa bago nilang team na Cleveland Cavaliers,

Ito ay matapos masilat ng Hawks ang Cavs sa score na 109-93.

Ang dalawang All-Star guards na sina Wade at Rose ay kapwa nagtala ng seven points.

Habang ang Cavs superstar na si LeBron James ay hindi muna naglaro dahil nagpapagaling pa rin sa kanyang sprained left ankle.

Minalas din ang unang sabak ni Kevin Love sa bago nitong papel na sentro ng Cleveland sa kabila nang pagtala ng 12 points, five rebounds sa 15 minuto na paglalaro.

Nanguna naman sa magandang diskarte ng Atlanta si Dennis Schroder na kumamada ng 18 points

Sa Sabado sunod na haharapin ng Cavs ang host na Indiana.

Habang bibisita naman ang Hawks sa Pistons.