Hindi na natapos pa ng Atlanta Hawks point guard na si Trae Young ang 3rd quarter ng laro matapos nitong ihampas ang hawak na bola sa isang referee dahilan upang ma-eject ito sa laban ng Hawks at Pacers kahapon.
Sa kabila ng pagkatanggal ni Trae sa laro ay nagawa pa ring ipanalo ng Hawks ang laban sa score na 143-130.
Pinangunahan ni John Collins ang Atlanta ng magpamalas ito ng 21 points na naging dahilan upang maungusan nila ang season high 33 points ni Jordan Nwora para sa Pacers.
Umalalay naman si Saddiq Bey para sa Hawks at nagpakawala ito ng kabuuang 18 points.
Kung maaalala ay tinalo ng Pacers ang Hawks sa game 1 match nito habang bumawi naman ang Atlanta sa game 2 match.
Ang naturang paghaharap ay ginanap sa State Farm Arena at ito ay pinanood ng mahigit 17,000 na NBA fans.