-- Advertisements --
GARRET ROLFE

Posibleng maharap sa death penalty o habang buhay na pagkakakulong ang dating Atlanta police officer na si Garret Rolfe kaugnay nang pagkakapatay nito kay Rayshard Brooks, isang Black-American.

Sinampahan si Rolfe ng 11 kaso kasama na rito ang felony murder at aggravated assault with a deadly weapon dahil sa naturang insidente.

Naglabas na rin ng arres warrant ang mga otoridad laban sa pulis na kasama ni Rolfe sa crime scene at nahaharap sa walong kaso.

Ayon kay Fulton County District Attorney Paul Howard, na batay sa kaniyang konklusyoon ay hindi nagdulot ng immediate threat of death ang ginawang pagtakas ni Brooks mula sa kamay ng dalawang pulis.

Dagdag pa nito na imbes na bigyan ng agarang medical attention ang biktima matapos itong barilin ay sinipa ni Rolfe si Brooks habang nakahilata na ang huli sa sahig.

“We concluded and considered as one of our important considerations that Mr. Brooks never presented himself as a threat,” saad ni Howard.

Sinabi pa nito na hindi rin tinukoy ng dalawang pulis kay Brooks na kaya siya huhulihin ay dahil nagmaneho ito kahit nakainom, alinsunod na rin sa patakaran ng Atlanta Police Department.