Sinampahan na ng 8 counts of murder ang suspek na namaril sa ilang spa sa Atlanta, Georgia.
Hindi pa ikinokonsidera ng kapulisan sa Cherokee County, Atlanta na isang uri ng hate crime ang nangyaring pamamaril na ikinasawi ng walong katao kung saan karamihan sa mga ito ay mga Asyano.
Maging si US President Joe Biden ay hindi pa nito masasabing isang uri ng hate crime at hihintayin na lamang niya ang pagtatapos ng imbestigasyon ng mga otoridad.
Tiniyak naman ni Vice President Kamala Harris na ibibigay niya ang suporta sa buong Asian American community.
Kailangan aniya na tumindig laban sa anumang panghihimok sa nabanggit na komunidad.
Labis namang nagulat ang buong komunidad ng American Asian sa nasabing insidente at nanawagan sila sa mga opisyal na sila ay protektahan.
Magugunitang pinagbabaril ng suspek na si Robert Aaron Long ang ilang spa sa Georgia na ikinasawi ng walong katao kung saan anim sa mga ito ay mga babaeng Asyano.
Ayon naman kay Mayor Keisha Lance Bottoms ng Atlanta, kahit wala pang motibo ay hindi katanggap-tanggap kung ito ay isang uri ng hate crime.