-- Advertisements --

Posibleng patawan ng parusa ng gobyerno ng Taiwan ang isa sa kanilang Olympic flagbearers dahil sa pagsuot ng uniporme ng China.

Ikinagalit kasi ng mga opisyal ng Taiwan ang online post ni Olympian Huang Yu-ting.

Agad naman na tinanggal ng babaeng atleta ang kaniyang social media post matapos na makatanggap ng mga baktikos.

Lumaban ang 33-anyos na si Huang sa 2022 Beijing Winter Olympics dalawang linggo na ang nakakalipas.

Depensa naman nito sa mga bumabatikos na dapat ay maging sports na lamang ang mga tao at dapat ay ihiwalay ang pambabatikos.

Magugunitang iginigiit ng China na parte pa rin nila sa kanilang bansa ang Taiwan.

Ayon sa mga mambabatas ng Taiwan na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa insidente.