-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Ipinagmamalaki ngayon ng Provincial Government ng Catanduanes ang isang 15 taong gulang na estudyanteng atleta matapos na makapag-uwi ng karangalan hindi lamang sa probinsya kundi sa buong Pilipinas.

Nakuha ni Oonah Sophia Shekinah Benavidez ang gintong medalya sa Wrestling Federation of Singapore (WFS) – National Open and Team Trials 2023 sa ilalim ng kategoryang Under 15 Girls Sports Sambo laban kay Aisha Klomp kan Singapore sa score na 8-0 sa huing round na ginanap sa Bedok, Singapore.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi ki Benavidez, nagmula sya sa Palnad del Sur, Virac, Catanduanes, ito rin umano ang umanong beses nyang sumabak sa international competition, kung kaya hindi nya inakalang maiuuwi nya ang kamyeonato at ang medalya.

Nasa 2nd Year Junior High School na si Benavidez sa University of Santo Tomas Legazpi at kasama ang UST Judo Club na nagrepresenta sa Pilipinas sa nasabing kompetisyon.

Aniya, inspirasyon niya ag kapatid na mahilig rin sa Judo kung kaya 8-taong gulang pa lamang ay nahasa na rin sya sa parehong sports.

Aminado naman ang atleta na hindi madali ang sport na Judo dahil marami ang kailangan mapanitili, kabilang na ang balanse, timbang at ang palagiang pagkain ng masusutansyang pagkain.

Samantala, ibinahagi rin ni Benavidez na ang pagiging kalmado sa mismong laban ay ang isa sa mga sikreto nya kaya’t naiuwi ang gold meal.

Kung matatandaan, Enero ngayong kasalukuyang taon, kinilalala ng Provincial Government ng Catanduanes ang tagumpay ni Benvidez ng maiuwi ang gintong medalya sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 85 Judo Championship.