Nagwagi sa 2024 Nobel Peace Prize ang Japanese group ng atomic bomb survivors na si Nihon Hidankyo.
Kilala bilang hibakusha ang survivors ng 1945 bombings ng Hiroshima at Nagasaki.
Nakuha nila ang atensyon ng Norweigan Nobel Committee dahil sa ginagawa nilang hakbang para malayo ang mundo sa nuclear weapons.
Sinabi ni Nobel Committee Chair Joergen Watne Frydnes, na ang may malaking kontribusyon ang grupo para tuluyang mapigilan ang mga negatibong paggamit ng nuclear weapons.
Labis nitong pinuri ang grupo dahil ibinahagi nila ang negatibong epekto ng nuclear weapons at hindi na ito dapat magamit muli.
Itinaguyod noong 1956 kung saan ang organisasyon ay nagpapadala ng mga survivors sa iba’t-ibang bahagi ng mundo para ibahagi nila ang mga masasamang dulot at kanilang pagdurusa dahil sa paggamit ng nuclear weapons.
Nagsimula ang kanilang trabaho matapos ang halos isang dekada ng salantahin ng nuclear weapons ang Hiroshima at Nagasaki.
Magugunitang noong Agosto 6, 1945 ng maghulog ang US bomber ng uranium bomb sa Hiroshima City at ikinasawi ng 14,000 na katao.
Matapos ang tatlong araw ay ikalawang nuclear bomb ang ibinagsak sa Nagasaki at matapos ang dalawang linggo ay sumuko ang Japan na siyang pagtatapos na ng World War 2.
Makakatanggap sila ng premyo na binubuo ng diploma, gold medal at pera na nagkakahalaga ng $1-milyon.
Gaganapin ang awarding sa buwan ng Disyembre sa Oslo, Norway kasabay ng death anibersaryo ng scientist at prize creator na si Alfred Nobel.