-- Advertisements --
Naglabas ng mga bagong panuntunan ang American Tennis Professionals (ATP) sa mga torneo nito.
Kinabibilangan ito ng paglimita sa oras ng isang manlalaro na gumamit ng palikuran.
Mayroon lamang tatlong minuto ito na magkaroon ng “break” kapag magtutungo sa palikuran kapag nagsimula na ang laro.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng akusasyon na sinasamantala ng ilang manalalaro ito para makapagpahinga.
Isang beses lamang din ang bathroom break na ibibigay sa mga manlalaro tuwing may torneo.
Mayroong dagdag na dalawang minuto para sila ay magpalit ng kanilang mga damit.