-- Advertisements --

Pinagpaplanuhan na umano ni Attorney General William Barr na iwanan ang kaniyang tungkulin bago ang January 20, 2020 kung saan lilisanin na ni US President Donald Trump ang White House.

Hindi na umano masaya si Barr sa administrasyon ni Trump matapos makatanggap ng kaliwa’t kanan na “pang-aapi” mula sa Republican President.

Nauna nang nakaramdam ng “disappointment” si Trump kay Barr matapos ibinunyag ng Justice Department na walang ebidensiya sa akusasyon nito na may nangyaring dayaan sa kanilang election.

Tumanggi naman si Trump na sagutin ang tanong kung nawalan na siya ng tiwala kay Barr.