-- Advertisements --

Tumestigo na sa US Senate si Attorney General William Barr kaugnay sa report na ipinasakamay sa kanya ni special counsel Robert Mueller dahil umano sa panghihimasok ng Russia sa 2016 US presidential election.

Sa imbestigasyon, hirap si Barr na ipaliwanag ang kanyang naunang testimonya sa Congress na hindi ito aware sa mga reklamo mula sa kampo ni Mueller.

Dahil dito, tinawag ni Patrick Leahy na “purposely misleading” ang pahayag ni Barr.

Iniwasan din ni Barr ang ilang direct questions kabilang na ang tanong kung mayroong taga-White House ang nag-suggest sa pagbubukas ng imbestigasyon at kung appropriate para kay US President Donald Trump na sabihin sa kanyang White House counsel na magsinungaling kaugnay sa direktibang pagsibak kay Mueller.

Magugunitang ipinasakamay ni Mueller ang buong ulat kay Barr noong Marso matapos ang 22-buwang imbestigasyon.

Ang nasabing ulat ay naglalaman kung may sabwatan bang naganap sa pagitan nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.