-- Advertisements --
William Barr

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si US Attorney General William Barr.

Sa resignation letter niya kay US President Donald Trump, magiging epektibo ang kaniyang pagbibitiw sa Disyembre 23.

Isinagawa nito ang pag-resign matapos ang ginawang briefing sa pagkuwestiyon ng kampo ni Trump sa nangyaring halalan na umano’y laganap daw ang dayaan.

Papalit sa kaniyang puwesto si Deputy Attorney General Jeff Rosen.