KALIBO, Aklan—Ikinagalak ni Atty. Neri Colmenares, dating Bayan Muna Partylist representative ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagtotal ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO’s) sa bansa.
Sa katunayan aniya sa panahon ng Duterte administration ay kaisa sila sa mga hindi pumabor sa POGO kung kaya’t lubos ang kanilang kagalakan na pinakinggan ng Pangulo ang mga panawagan na tuluyang ipagbawal ito sa bansa.
Marami na aniyang napasama nang dahil sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators at panahon na rin para walisin ang mga Chinese at iba pang dayuhan na illegal na naninirahan sa Pilipinas.
Apela ni Atty. Colmenares sa pamahalaan na hanapan kaagad ng paraan ang mga manggagawang mawalan ng trabaho dahil sa pag total ban sa Philippine Offshore Gaming Operators.