-- Advertisements --

Iginiit ni dating IBP President Atty. Domingo Cayosa, na ang Office of the Solicitor General (OSG) ang dapat magsilbi at manatiling tagapagtanggol ng bansa.

Pahayag ito ng batikang abogado matapos tumanggi ang OSG na kumatawan sa mga opisyal ng gobyerno na kinukwestyon sa mga petisyong inihain sa Korte Suprema kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).

Giit ni Cayosa, isang ‘awkward’ situation kung hindi ipagtatanggol ng OSG ang gobiyerno ng pamahalaan dahil dapat nitong dinedepensahan ang anumang posisyon ng bansa.

Bagaman maaari aniyang mag-recuse ang OSG at igiit ang posisyon nito sa isang bagay, mas nabubuti aniyang mag-resign na lamang ang ito at hayaan ang appointing power na magdesisyon kung tatanggapin ang resignation o hindi.

Paliwanag ng abogado, kung hindi matanggap ng konsensiya ng OSG o hindi kayang abandunahin ang dati nitong posisyon, ang agarang pag-resign na aniya ang nararapat na susunod na hakbang.

Maalalang sa inihaing manifestation of recusal ni Solicitor General Menardo Guevarra, nanindigan siyang matatag ang posisyon ng OSG na walang hurisdiksiyon sa Pilipinas ang ICC at ang investigative, prosecutorial at judicial system sa bansa ay gumagana, kayat posibleng hindi nito epektibong mairepresenta ang mga respondent sa mga kasong ito at tumangging makibahagi dito.