Binuweltahan ng abogado ni suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr na si Atty. Ferdinand Topacio si DOJ Asec at Spox Atty. Mico Clavano.
Ito ay matapos ang naging kumpirmasyon ng DOJ sa naging pinal sa resulta ng Extradition Request ng gobyerno ng Pilipinas laban kay Teves.
Ayon kay Topacio, hindi pa nananalo ang DOJ dahil pwede pa silang umapila korte sa Timor Leste na baliktarin ang desisyon.
Kabilang pa rin aniya sa kanilang option ngayon ay ang muling paghahain ng political asylum request sa Timor Leste.
Aniya, kahit pa maibalik sa Pilipinas ang kanilang kliyente ay kailangan pa rin aniya na patunayang guilty ito sa mga kasong inihain sa kanya.
Giit ni Topacio, lahat ng mga ebidensya ng prosecution ay itinanim lamang para gipitij at idiin ang dating mambabatas.
Sa oras aniya na mapatunayang guilty si Teves ay duon lamang maasabi ng DOJ na nanalo sila sa kaso.