-- Advertisements --

Hindi naniniwala si Atty. Larry Gadon na ang pagsusuot ng face mask ay makakapigil sa pagkalat ng coronavirs.

Kasunod ito ng pagiging trending nito na hindi naka-face shield subalit hindi wala naman face mask.

Imbes kasi na ilagay sa bibig nito ang face mask ay doon ikinabit sa face shield.

Dagdag pa ni Gadon na naging ‘overreacting’ lamang ang gobyerno sa nasabing coronavirus pandemic.

Maari lamang aniyang magsuot ng face mask kung nasa hindi gaanong kalakihang lugar gaya ng elevator o maliit na conference rooms.

Kaya lamang niya ginawa ang nasabing paglalagay ng face mask sa face shield ay dahil sa ito ang iniuutos sa mga establihsimento na hindi sila nagpapasok kapag walang suot ng face mask.